|
||||||||
|
||
Mga Logo ng 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games
Isinapubliko nitong Lunes, Abril 25, 2016 ng Lupong Tagapag-organisa ng 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games ang bagong edisyon na logo na nagtatampok sa asul na parihaba.
Ayon sa salaysay, ang hugis na parihaba ay may pangmalayuang kasaysayan sa maraming bansa at rehiyon. Mula noong Edo period (1603-1867), alam na alam na ng mga mamamayang Hapon ang hugis na ito at inilarawan ito bilang "Ichimatsu Moyo". Samantala, ang kulay na asul na ginamit sa logo ay tradisyonal na kulay ng Hapon na kumakatawan ng elegance at maturity.
Si Asao Tokolo, taga-disenyo ng logo para sa 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games
Napag-alamang ang logo ay binubuo ng tatlong magkaibang rectangle na sumasagisag ng iba't ibang bansa at rehiyon, iba't ibang sibilisasyon at pananaw. Samantala, gustong ipinakita nito ang pag-asa na i-ugnay ang buong daigdig sa gaganaping Olympic at Paralympic Games.
Noong ika-24 ng Hulyo, 2015, ipinalabas minsan ng tagapag-oraganisa ng Tokyo ang disenyo ng logo para sa 2020 Olympic at Paralympic Games, pero, agarang nakatawag ito ng malaking pagbatikos dahil sa mga iskandalo ng "plagiarism". At isang buwan makalipas lamang, itinakwil ng Tokyo ang disenyong ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |