Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong panlabas Tsino, binatikos ang teroristikong atake sa misyong pamayapa ng UN sa Mali

(GMT+08:00) 2016-06-03 09:16:28       CRI

Ottawa, Kanada—Ipinahayag ni dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ang pinakamatinding pagbatikos sa mga teroristikong atake sa misyong pamayapa ng United Nations (UN).

Nitong Miyerkules, June 1, 2016, dalawang teroristikong atake na nakatuon sa UN Multi-dimensional Integrated Stabilization Mission in Mali (MINUSMA) Camp at UN Mine-defusing project sa Gao, Mali ang naganap. Apat na tauhang pamayapa ng UN na kinabibilangan ng isang kawal Tsino, dalawang guwardiyang Mali at isang dalubhasang Pranses ang namatay sa nasabing mga insidente.

Ang Al-Qaida in the Islamic Maghreb (AQIM) ang umaming may kagagawan sa nasabing dalawang teroristikong atake.

Ipinahayag ni Wang ang pagluluksa para sa mga nasawi at pangungumusta sa mga nasugatan. Idinagdag pa niyang ang pagkabuwis ng buhay ng mga tauhang pamayapa ay hindi lamang sakripisyo ng kani-kanilang inang-bayan, kundi pagkawala ng misyong pamayapa ng UN. Aniya pa, gagawin ng Tsina ang lahat ng magagawa, kasama ng komunidad ng daigdig para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga tauhang pamayapa.

Ipinagdiinan din ni Wang na bilang pirmihang miyembro ng UN Security Council at mabuting kaibigan ng mga bansang Aprikano, patuloy na makikilahok ang Tsina sa misyong pamayapa ng UN para maisakatuparan ang kapayapaan ng mga bansang Aprikano.

Sa kasalukuyan, mahigit 2,400 Tsino ang nagsasagawa ng misyong pamayapa ng UN sa 7 lugar ng Aprika na gaya ng Mali, Democratic Republic of Congo at Liberia. Ang Tsina ang bansang nagpadala ng pinakamaraming peacekeepers sa ilalim ng misyong pamayapa ng UN.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>