|
||||||||
|
||
Mula ngayon (May 27), 100 araw na lamang bago ganapin ang G20 Summit sa Setyembre sa Hangzhou, syudad sa dakong silangan ng Tsina. Sa okasyong ito, idinaos Huwebes, May 26, 2016, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang news briefing. Sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na ang gaganaping summit ay ika-11 summit ng G20 at bilang punong-abala, alam na alam ng Tsina ang responsiblidad para rito. Ipinagdiinan niyang nagsisikap at magsisikap ang Tsina, kasama ang lahat ng ibang mga panig, para matamo ng summit ang sampung (10) bunga, sa ilalim ng temang "Pagtatatag ng Pandaigdig na Kabuhayang Inobatibo, Masigla, Konektado at Inklusibo."
Si Ministrong Panlabas Wang Yi (gitna) sa preskon hinggil sa G20 Summit, Hangzhou, Tsina
Preskon hinggil sa 2016 G20 Summit, Hangzhou, Tsina
Anya, una, itatakda sa summit ang blueprint para sa kaunlaran ng daigdig sa pamamagitan ng inobasyon. Idinagdag ni Wang na batay sa nasabing blueprint, magkakaroon ang kabuhayang pandaigdig ng bagong lakas na pampasigla at magtatakda rin ang G20 ng mga plano ng aksyon sa larangan ng inobasyon, bagong rebolusyong industriyal, at digital economy.
Ipinahayag ni Wang na ang ibang mga matatamong bunga ay kinabibilangan ng pagbalangkas ng plano ng aksyon hinggil sa pagpapatupad sa United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, pagtatakda ng mga priyoridad na larangan sa repormang pang-estruktura ng G20, pagpaplano ng estratehiya hinggil sa paglaki ng pandaigdig na kalakalan, pagtatakda ng prinsipyong patnubay hinggil sa pandaigdig na puhunan, pagpapalalim ng reporma sa estruktura ng pandaigdig na pinansya, paglulunsad ng kooperasyon laban sa katiwalian sa loob ng G20, pagbalangkas ng plano ng aksyon hinggil sa pagsisimula ng negosyo, at pagpapasulong ng pagkakabisa ng Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima, sa lalong madaling panahon.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |