Ayon sa pinakahuling estadistikang inilabas ngayong tanghali, ika-25 ng Agosto, 2016, ng pamahalaan ng Italya, 247 katao na ang nasawi sa lindol na may lakas na magnitude 6 sa Richter Scale na naganap sa ilampung lunsod at bayan sa rehiyong panghanggahan ng Lazio at Marche sa dakong gitna ng bansa noong ika-24 ng Agosto, local time.
Bagama't abalang-abala sa mga gawaing panaklolo, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga kasuwalti. Madaling araw naganap ang lindol at natutulog ang mga mamamayan, dagdag pa rito ang masalimuot na kalagayang panlupa sa bulubunduking purok sa lugar.