|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling estadistikang inilabas noong Huwebes, ika-21 ng Abril 2016, ng pamahalaan ng Ecuador, 570 katao na ang nasasawi sa 7.8 magnitude sa Richter Scale na pagyanig na naganap sa baybaying dagat sa dakong hilagang-kanluran ng bansa noong ika-16 ng Abril, local time. Samantala, 5,733 katao ang nasugatan, at 163 iba pa ang nawawala. Sumusulong pa rin ang gawain ng paghahanap at pagliligtas.
Noong ika-20 ng Abril, ipinatalastas ni Pangulong Rafael Correa Delgado ng Ecuador ang mga patakarang gaya ng isang taong pansamantalang pagdaragdag ng buwis, para mangilak ng pondo sa rekonstruksyon ng mga nilindol na purok.
Ipinagpapatuloy naman ang makataong saklolo mula sa komunidad ng daigdig. Mahigit 1,700 pandaigdigang miyembrong panaklolo galing sa 9 na bansa, kasama ng mga rescue team ng Ecuador, ang nagsasagawa ng paghahanap at pagliligtas sa mga guho.
Ipinahayag noong Huwebes ng Ministring Komersyal ng Tsina na magkakaloob ito ng 2 milyong dolyares na pangkagipitang makataong pondo sa Ecuador.
Mga Chinese rescue team sa mga nilindol na purok sa Ecuador
Pagkaraang maganap ang lindol, sumali sa relief works ang mga bahay-kalakal na Tsino, sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pangkagipitang pagpapatnubay, paghahatid ng mga makinarya, pagpapadala ng tauhan, pagkakaloob ng relief supplies, at pag-aabuloy ng dugo at pondo.
Ang mga imprastruktura na itinatag ng mga bahay-kalakal na may puhunang Tsino sa lokalidad ay mayroon ding masusing papel sa relief works: ilan ang nagsisilbing himpilan ng relief works; ilan ang tumutulong sa pangkagipitang pagsuplay ng koryente at enerhiya; ilan ay nagiging mahalagang tulay ng transportasyon ng relief supplies; at ilan ang ginagamit bilang kublihan at pook ng pagrereserba ng relief supplies.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |