Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing Martes, Agosto 30, 2016, kay Gen. Ngo Xuan Lich, dumadalaw na Ministro ng Tanggulang Bansa ng Biyetnam, sinabi ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na komprehensibong isakatuparan, kasama ng panig Biyetnames, ang narating na mahalagang komong palagay nina Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Aniya pa, dapat obdiyektibong pakitunguhin at maayos na hawakan ng dalawang panig ang kanilang pagkakaiba para makapagbigay ng positibong papel sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Gen. Ngo Xuan Lich ang kahandaang ibayo pang palakasin ang pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga hukbo ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng