|
||||||||
|
||
Ipinadala Biyernes, Hulyo 22, 2016, ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ang mensahe kay Nguyen Thi Kim Ngan bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Zhang ang pagpapahalaga ng panig Tsino sa pagpapaunlad ng relasyon sa Biyetnam. Aniya, humihigpit nang humihigpit ang pagpapalitan at kooperasyong pangkaibigan ng NPC at Pambansang Asemblea ng Biyetnam, bagay na nakakapagpatingkad ng positibong papel para sa pagpapalalim ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Idinagdag pa niya ang kahandaang magsikap kasama ni Nguyen Thi Kim Ngan, para ibayo pang mapasulong ang naturang pagpapalitan at pagtutulungan para makapagbigay ng mas malaking ambag sa pagsasakatuparan ng katatagan at kaunlaran ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |