Noong Agosto 28, 2016, lumisan sa Hanoi ang delegasyong militar ng Biyetnam, para sa apat na araw na pagdalaw sa Tsina. Ang delegasyong ito ay nasa pamumuno ni Gen.Ngo Xuan Lich, Ministrong Pandepensa ng Biyetnam.
Ayon sa ulat, ang biyaheng ito ay para tupdin ang kasunduang narating ng mga liderato ng Tsina at Biyetnam hinggil sa pagpapahigpit ng pagdadalawan sa mataas na antas, at ibayong pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Sa pananatili sa Tsina, magbibigay-galang si Ngo sa mga lider Tsino, at makikipag-usap sa kanyang Chinese counterpart na si Chang Wanquan. Samantala, bibisita rin siya sa mga military unit ng People's Liberation Army ng Tsina.