Ang lahat ng miyembro ng "Dragon Wing" cycling team ay pipi at bingi.
Itinatag ni Huang Yongji ang nasabing espesyal na cycling team noong Abril 16, 2016, kasama ng isa pang binging rider na si Liang Jinsong na galing sa Liuzhou, Guangxi Zhuang Autonomous Region, sa dakong timog ng Tsina, para mailikha ang isang magandang kapaligiran ng komunikasyon.
Sa kasalukuyan, mayroong 33 miyembro ang cycling team ni Huang, ang pinakabatang siklista ay 28 taong gulang, samantala, ang pinakamatandang rider ay 64 taong gulang.