|
||||||||
|
||
Noong Lunes, Agosto 15, ay ika-71 anibersaryo ng walang pasubaling pagsuko ng Hapon sa katapusan ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig. Ayon sa research center ng mga comfort women ng Humanities and Communication College of Shanghai Normal University, mga 400 libong babae sa Asya ang pinilit na maging "comfort women" ng tropang Hapones noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, at kalahati sa kanila ang galing sa Tsina. Mula noong 1990, sinimulang ipalabas ng mga 100 buhay pang comfort women ang kanilang karanasan sa publiko, at para humanap ang lehitimong kalutasan at katarungan.
Si Cao Heimao, isang 94 na taong gulang na babae na pinilit na maging "comfort women" ng tropang Hapones noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, habang nakaupo sa kanyang bahay sa nayong Qidong, probinsyang Shanxi ng Tsina
Nasa hospital si Pian Huanying, isang 88 na taong gulang na babae na pinilit na maging "comfort women" ng tropang Hapones noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig sa bayang Qin, probinsyang Shanxi ng Tsina
Si Hao Juxiang, isang 94 na taong gulang na babaeng Tsino na pinilit na maging "comfort women" ng tropang Hapones noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, habang nakaupo sa loob ng kanyang bahay sa nayong Quandian, probinsyang Shanxi ng Tsina
Si Li Ailian, isang 88 na taong gulang na babaeng Tsino na pinilit na maging "comfort women" ng tropang Hapones, habang ikinukewento ang kanyang karansan noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig
Si Hao Yuelian, isang 88 na taong gulang na "comfort women" ng tropang Hapones, habang ikinukuwento ang kanyang karansan noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, sa harap ng kanyang bahay sa nayong Yanggongling, probinsyang Shanxi ng Tsina
Si Zhang Shuangbing, isang guro at boluntaryong investigator sa mga karanasan at pamumuhay ng mga buhay pang comfort women nitong 34 na taong nakalipas, habang nakikipag-usap kay Liu Fenghai, isang babaeng Tsinong "comfort women" ng tropang Hapones noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig sa bayang Yu, probinsyang Shanxi ng Tsina
Si Zhang Shuangbing, isang guro at boluntaryong investigator sa mga karanasan at pamumuhay ng mga buhay pang comfort women nitong 34 na taong nakalipas, habang nakatayo sa harap ng puntod ng comfort women na si Wan Aihua sa bayang Yu, probinsyang Shanxi ng Tsina
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |