|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, ipinahayag ng Reuters na umaasa ang Tsina na sa pamamagitan ng pagdaraos ng G20 Summit sa Hangzhou, mapapatibay at maipapakita ang katayuan nito bilang malaking bansa sa daigdig. Ngunit, posible nitong kaharapin ang mga hamon mula sa mga bansang kanluranin at bansang kaalyado nila sa ilang isyu.
Tungkol dito, ipinahayag Martes, Agosto 30, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa at nananalig ang panig Tsino na isasabalikat ng iba't-ibang may-kinalamang panig ng G20 ang kadapat-rapat na responsibilidad nila para mapatingkad ang positibo at konstruktibong papel para sa matagumpay na pagdaraos ng nasabing summit.
Ani Hua, napag-alamang ang mga miyembrong gaya ng Amerika, Britanya, Canada, at Hapon, ay napapanatili ang mahigpit na pakikipagkoordina at mainam na pakikipagkooperasyon sa panig Tsino hinggil sa mga kinauukulang suliranin ng G20 Summit sa Hangzhou. Ipinahayag aniya ng naturang mga bansa na puspusang kinakatigan ang matagumpay na pagtataguyod ng Tsina ng summit na ito.
Idinagdag pa ni Hua na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang panig para maigarantiya ang pagtatamo ng nasabing summit ng positibong bunga.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |