Magkasanib na ipinadala Martes, Agosto 30, 2016, nina Donald Tusk, Presidente ng European Council, at Jean Claude Juncker, Presidente ng European Commission, ang liham sa mga lider ng kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) na nagsasabing nananabik sila sa pagtalakay, kasama ng ibang kalahok sa G20 Summit na idaraos sa Setyembre sa Hangzhou ng Tsina, hinggil sa pagharap sa mga malaking hamong pandaigdig para pasulungin nang malaki ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Sa nasabing liham, ipinahayag nila na mananawagan ang EU sa G20 na patuloy na suportahan ang magkasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para sa pagharap sa krisis ng mga refugees, itakda ang roadmap para sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at pasulungin ang mga pandaigdigang kooperasyon sa transparency ng buwis at paglaban sa terorismo.