|
||||||||
|
||
Beijing,Tsina—Natapos na ng mahigit 1,000 lider ng negosyo mula sa mga miyembro ng G20 ang ulat hinggil sa mga mungkahing pampatakaran. Isusumite nila ang nasabing ulat sa gaganaping G20 Summit sa Setyembre sa Hangzhou, lunsod sa dakong silangan ng Tsina.
Ipinatalastas ang nasabing balita ni Yu Ping, 2016 Business 20 (B20) meeting coordinator sa preskon Miyerkules, Agosto 10, 2016.
Ang B20 ay nagsisilbing forum ng private sector para gumawa ng rekomendasyong pampatakaran para sa taunang G20 Summit.
Binubuo ang nabanggit na ulat ng 20 mungkahi. Kabilang sa mga ito ay paglaki ng kabuhayan; pandaigdig na kabuhayan at pangangasiwang pinansyal; pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan at inklusibong interkonektadong pag-unlad; bukas na network ng mga pamahalaan, private sector, unibersidad at insitusyon ng pananaliksik para mapasulong ang inobasyong panteknolohiya, pag-unlad ng kabuhayan at hanap-buhay.
Iminungkahi rin ng mga lider ng negosyo ang pagtatatag ng electronic world trade platform (eWTP), mekanismo para sa diyalogong publiko-pribado hinggil sa cross-border e-trade development, at layon nitong mapabuti ang kasalukuyang trade framework at matulungan ang small and medium-sized enterprises (SMEs) sa paglahok sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |