Kaugnay ng idaraos na G20 Summit sa Hangzhou ng Tsina mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre, ipinalalagay ng mga dalubhasa ng Cambodia na ang pulong na ito ay makakabuti sa mga bansang ASEAN.
Sina Pangulo Boungnang Vorachith ng Laos, kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng ASEAN, at Punong Ministro Prayuth Chan-Ocha ng Thailand, kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng G77, ay inimbitahan para dumalo sa nasabing summit bilang espesyal na panauhin.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Thoeurn Sotha, dalubhasa ng Royal Academy of Cambodia (RAC), na ang G20 Summit sa Hangzhou ay isang plataporma ng pagpapalitan at pag-uugnayan sa pagitan ng mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa. Naniniwala aniya siyang ang nasabing summit ay magpapasulong sa malakas, sustenable at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Ky Sereyvath, dalubhasa ng RAC, na mahalaga ang nasabing summit. Sinabi niyang ang pagdalo ng mga lider ng Thailand at Laos sa nasabing summit ay kumakatawan sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng mga bansang ASEAN para ipakita ang mga palagay hinggil sa pag-unlad ng kalakalan at pangangalaga sa kapaligiran. Ito aniya ay magdudulot ng mga kapakanan para sa mga bansang ASEAN.
Sinabi pa niyang ang nasabing summit ay magpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan sa pagitan ng mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa. Naniniwala aniya siyang ang Hangzhou G20 Summit ay magiging modelo para sa mga G20 Summit sa susunod.