Sa Jakarta — Ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesia, na ayon sa plano, sa ika-2 ng darating na Setyembre, pupunta si Pangulong Joko Widodo sa Tsina para dumalo sa G20 Summit na gaganapin sa Hangzhou, probinsyang Zhejiang ng Tsina. Sa naturang summit, si Pangulong Joko ay magsisilbing ikalawang lider na bibigkas ng talumpating magtatampok sa tema ng kabuhayan at kooperasyon sa paglaban sa terorismo.
Isiniwalat din ni Retno Marsudi na bago dumalo sa G20 Summit, dadalo si Pangulong Joko sa Porum na Komersyal ng B20 na itataguyod ng sirkulo ng bahay-kalakal ng Tsina. Pagkatapos nito, tatalakayin niya at mga bahay-kalakal na ari ng estadong Tsino ang tungkol sa pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan. Ayon sa pagtaya, halos 600 hanggang 700 malalaking bahay-kalakal na ari ng estadong Tsino ang dadalo sa naturang B20 Forum.
Salin: Li Feng