Sa Vladivostok, Rusya—Nagtagpo dito Biyernes, Setyembre 2, 2016, sina Pangulong Vladimir Putin ng bansang ito at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, para talakayin ang hinggil sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon at pagpapahigpit ng kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ayon sa pahayag na inilabas sa website ng palasyong pampanguluhan ng Rusya, ipinahayag ni Putin na dapat pasulungin at katigan ang pag-unlad ng relasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Sinabi pa ni Putin na pinanumbalik na ng dalawang bansa ang talastasan sa antas ng ministrong panlabas hinggil sa paglalagda sa kanilang kasunduang pangkapayapaan. Dagdag pa niya, mataimtim na pag-aaralan ng Rusya ang mga mungkahi na iniharap ng Hapon.
Si Abe ay inimbitahan ng panig Ruso para lumahok sa ika-2 Eastern Economic Forum (EEF). Sinabi niyang malaki ang nakatagong lakas ng pag-unlad ng far east area ng Rusya. Sinabi pa niyang bilang karatig na bansa ng Rusya, nakahanda ang Hapon na buong sikap na pasulungin ang mga kooperasyon sa Rusya.