Setyembre 4, 2016--Isiniwalat ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga pagkakasundong narating sa isang informal luncheon ng mga ministrong panlabas ng G20. Aniya, nagpalitan ng palagay ang mga kalahok hinggil sa mga isyung gaya ng paglaban sa terorismo, refugee, pagbabago ng klima, sustenableng pag-unlad at iba pa, at narating nila ang mga komong palagay.
Sinabi ni Hua na ang pagdaraos ng nasabing informal luncheon ay bilang pagsunod sa tradisyon ng G20. Ang informal luncheon na ito ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ay nilahukan ng kanyang mga counterpart mula sa mahigit 10 bansa na kinabibilangan ng Rusya, Timog Aprika, Timog Korea, Indonesya, Mexico, Singapore at iba pa.
Ayon kay Hua, sinabi ng ministrong panlabas ng Tsina, na sa harap ng iba't ibang hamon sa daigdig, dapat magkaroon ng kooperasyon ang iba't ibang bansa, at ito ang natatanging paraan. Kailangang magkakasamang itatag ng komunidad ng daigdig ang bagong relasyong pandaigdig at gawing nukleo ang kooperasyong may win-win situation, aniya pa.
salin:wle