Setyembre 4, 2016—Ipininid sa Hangzhou ang Business 20 (B20) Summit. Ang B20 ay nagsisilbing forum ng private sector para gumawa ng rekomendasyong pampatakaran para sa taunang G20 Summit. Ipinahayag ni Jiang Zengwei, Tagapangulo ng B20 sa taong ito at Puno ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT), na natamo ng summit ang maraming komong palagay at bunga.
Ipinalabas ng B20 Summit ang "B20 Policy Recommendation Report" kung saan ihinarap ang 20 policy recommendation at 76 na aktuwal na hakbangin hinggil sa 6 na temang kinabibilangan ng pagpapasulong ng pag-unlad sa pamamagitan ng pinansiyo, pamumuhunan at kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, pag-unlad ng mga katam-tamang laki at maliliit na bahay-kalakal, paghahanap-buhay at paglaban sa korupsyon.
Ipinalalagay ng mga kalahok na sa harap ng hamon ng pagbaba ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, dapat baguhin ang paraan ng pag-unlad, isagawa ang mga proyekto ng smart innovation, labanan sa iba't ibang porma ng protectionism, katigan ang pag-unlad ng mga katam-tamang laki at maliliit na bahay-kalakal, at pasulungin ang malusog at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan ng daigdig.
salin:wle