MAYROON pang 19 na mga sugatang nananatili sa Southern Philippines Medical Center. Ayon kina Dr. Benedict Valdez, isang Trauma Surgeon at Dr. Leopoldo Vega, Director ng Southern Philippines Medical Center, may 14 na ang nakauwi samantalang may 19 na nananatili sa loob ng pagamutan.
Tatlo katao na ang nasawi sa pagsabog na naganap noong Biyernes ng gabi na nadala sa pagamutan. Mayroon apat na pasyenteng nasa Nuero Intensive Care Unit ng medical center.
Isang 17-taong gulang na dalaga ang nagkaproblema sa kanyang gulugod at nananatiling nakakabit pa sa oxygen.