|
||||||||
|
||
Sa tradisyonal na Chinese lunar calendar, pinaghahati ng mga sinaunang mamamayang Tsino ang isang taon sa 24 na solar terms at ang White Dew, Ika-15 solar term, ay nagsisimula mula Setyembre 7 hanggang Setyembre 21 sa taong ito.
Ang White Dew ay palatandaan ng totoong pagsisimula ng malamig na tag-lagas at unti-unting pagbaba ng temperatura. Samantala, sa panahaong ito, mas marami ang tubig sa hangin na nagiging white dew sa gabi.
Narito ang sampung bagay na dapat malaman ninyo tungkol sa White Dew.
Paglalakbay sa Setyembre
Dahil napalaki ang saklaw ng teritoryo ng Tsina, mas maaga ang pagdating ng taglagas sa dakong kanluran at hilagang silangan ng Tsina, kaya, iba't iba ang tanawin sa bansa.
Mas maraming white dews
Bagama't mainit pa ang panahon sa araw, kung sa gabi, agarang bumababa ang temperature at ang tubig sa hangin ay nagiging maliit na hamog.
Pagkain ng grapes
Ang white dew ay panahon ng pagkain ng grapes at makakabuti ang mga ito sa inyong liver.
Pagkain ng Longan
Ang longan sa panahon ng white dew ay malaki at matamis. Sa probinsyang Fujian ng Tsina, ipinalalagay ng mga mamamayang lokal na ang longan ay kasing nutritious ng itlog.
White dew tea
Gustung-gusto ng mga beteranong tea drinkers ang White Dew Tea. Sabi nila pagkaraan ng mainit na summer, pinakamaganda ang kalagayan ng mga tsaa sa panahon ng White Dew.
White Dew Wine
Sa probinsyang Zhejiang o dakong timog ng probinsyang Jiangsu, mayroon kaugalian ng paggawa ng white dew wine sa panahong ito.
Pagkain ng matamis na potatos
Bilang No.1 gulay laban sa cancer, batay sa kaalamang medikal ng Tsina, puwedeng mapahaba nito ang buhay ng tao at mabawasan ang sakit.
Sampung "white" herbal medicine soup
Naniniwala ang mga mamamayang Tsino na ang soup na may sampung "white" herbal medicine at black-bone chicken o duck ay puwedeng magpalakas ng human body.
Paglalaro ng swallow carts
Halos lahat ng mga mamamayan sa probinsyang Shangdong ay mahusay sa paggawa ng swallow cart. Ang pagtutulak ng mga swallow carts habang tumatakbo ay nakakatulong sa mga bata na labanan ang lamig at paggandahin ang pangangatawan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |