|
||||||||
|
||
Ipinalabas kamakailan ng All-China Federation of Industry & Commerce ang listahan ng Top 500 pinakamalaking pribadong kompanya ng Tsina para sa taong 2016, at sa halip ng Lenovo Group Ltd, umakyat sa first place ang Huawei Techologies Co.Ltd.
Sa 500 pinakamalaking pribadong kompanya ng Tsina, 12 ang pumasok sa listahan ng Fortune 500 na kinabibilangan ng Huawei Technologies Co Ltd, Lenovo Group, Geely Holding Group Co at Wanda Group.
Napag-alamang, hanggang sa kasalukuyan, ang kabuuang kita ng nasabing 500 kompanya sa taong 2016 ay umabot sa 16 trilyong yuan o 2.4 trilyong USD na lumaki nang 10.06% kumpara noong isang taon.
Narito ang sampung pinakamalaking kompanya sa listahan.
10. Vanke Co Ltd (real estate)
Kita: 196 billion yuan RMB o 29.42 bilyong USD
9. Shagang Group (steel production)
Kita: 206 bilyon yuan o 30.9 bilyong USD
8. Hengli Group (petro-chemical, polyester advanced materials, weaving and real estate)
Kita: 212 bilyon yuan o 31.8 bilyong USD
7. China CEFC Energy Company Limited (energy)
Kita: 263 billion yuan o 39.45 bilyong USD
6. Dalian Wanda Group (real estate, tourism, hotels and entertainment)
Kita: 290 billion yuan o 43.5 bilyong USD
5. Amer International Group (cable, copper products and mining)
Kita: 300 billion yuan o 45 bilyong USD
4. Lenovo Group Ltd (technology)
Kita: 310 billion yuan o 46.5 bilyong USD
3. Weiqiao Pioneering(textile, dyeing and finishing, clothing, home textiles, thermoelectricity)
Kita: 333 billion yuan o 49.95 bilyong USD
2. Suning Commerce Group (electronic appliances retailer)
Kita: 350 billion yuan o 52.5 bilyong USD
1. Huawei Technologies Co Ltd (technology)
Kita: 395 billion yuan o 59.25 bilyong USD
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |