Setyembre 9, 2016—Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagbanggit ng Hapon ng South China Sea arbitration sa katatapos na East Asia Summit (EAS) sa Vientiane, Laos ay di-angkop, at ito ay magdudulot ng self-isolation.
Ani Hua, sa 18 kalahok na bansa ng EAS, 16 na kalahok ang nagkonsentra sa kooperasyon at nanawagan sa magkasamang pangangalaga sa kapayapaang panrehiyon at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan. Dalawang bansa lamang sa labas ng rehiyon na kinabibilangan ng Hapon ang bumanggit ng arbitrasyon, at ito ay hindi ankop sa pangunahing tunguhin. Umaasa ang Tsina na gaganap ang Hapon ng konstruktibong papel para mapasulong ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
salin:wle