|
||||||||
|
||
Ang nasabing "dual -track" approach na unang iniharap ng Brunei at suportado ng Tsina ay nangangahulugang lulutasin ang nabanggit na isyu sa pamamagitan ng talastasan sa pagitan ng mga direktang may kinalamang bansa, samantang magkakasamang pananatilihin ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Inulit ni Ministrong Panlabas Wang ang nasabing paninindigan sa kanyang pakikipagtagpo kay Lim Jock Seng, Pangalawang Ministro ng Ugnayang Panlabas at Kalakalan ng Brunei, sa sidelines ng Ika-49 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Linggo, Hulyo 24, 2016.
Sina Chinese Foreign Minister Wang Yi (kaliwa) at Brunei's Second Minister of Foreign Affairs and Trade Lim Jock Seng (kanan) sa Vientiane, Laos, July 24, 2016. (Xinhua/Liu Ailun)
Idinagdag pa ni Wang na ang "dual-track" approach ay nababatay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na nilagdaan ng Tsina at mga kasaping bansang ASEAN, at mga prinsipyo ng mga pandaigdig na batas na kinabibilangan ng UN Charter. Naaangkop din aniya ito sa komong interes ng mga bansa sa rehiyon.
Sinabi naman ni Lim Jock Seng na laging itinataguyod ng Brunei ang "dual-track" approach at ang mapayapang paglutas sa isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon.
Ipinagdiinan din niyang dapat magkakasamang tupdin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang DOC at pasulungin ang talastasan hinggil sa pagbalangkas ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), batay sa DOC. Napakahalaga aniya nito sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon.
Nakatakdang idaos Lunes, Hulyo 25 ang Pulong ng Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1).
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |