|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon, Linggo, ika-11 ng Setyembre 2016, sa Nanning, Tsina, ang Ika-2 China-ASEAN Information Harbor Forum.
Kalahok dito ang mahigit sa 500 kinatawan mula sa mga departamento ng pamahalaan at internet company ng Tsina at iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at tinalakay nila ang hinggil sa pagpapasulong sa konstruksyon ng information harbor ng dalawang panig.
Iniharap ni Zhuang Rongwen, Pangalawang Puno ng State Internet Information Office ng Tsina, ang mga mungkahi para sa pagpapabilis ng konstruksyon ng information harbor ng Tsina at ASEAN, at pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang panig sa cyberspace. Aniya, dapat pabilisin ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang pagbabahagi ng impormasyon, paliitin ang agwat ng iba't ibang bansa sa paggamit ng information technology, magkakasamang galugarin ang magandang internet cultural products, labanan ang cyber terrorism at cyber crimes, pangalagaan ang rehiyonal na cyber security, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Khieu Kanharith, Ministro ng Impormasyon ng Kambodya, ang pagkatig ng kanyang bansa sa konstruksyon ng information harbor ng Tsina at ASEAN. Ito aniya ay makakatulong sa pag-unlad ng information technology ng Kambodya, at magpapalalim din ng pagkakaibigan ng mga bansa at mga mamamayan sa rehiyong ito.
Sinimulan noong isang taon ang usapin ng information harbor ng Tsina at ASEAN. Noong Abril ng taong ito, inaprobahan ng pamahalaan ng Tsina ang plano hinggil sa pagpapasulong ng usaping ito sa limang aspekto, na kinabibilangan ng imprastruktura, pagbabahagi ng impormasyon, kooperasyong panteknolohiya, serbisyong pangkalakalan, at pagpapalitan ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |