Mula ika-11 hanggang ika-14 ng darating na Setyembre ng taong ito, idaraos sa Nanning ang Ika-13 China-ASEAN Expo (CAEXPO), at Ika-13 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Ayon sa ulat ngayong araw, Huwebes, ika-16 ng Hunyo 2016, ng Sekretaryat ng CAEXPO, ang ekspong ito ay naglalayong pasulungin ang pagtatatag ng 21st Century Maritime Silk Road, at pagbuo ng mas mahigpit na komunidad ng kapalaran ng Tsina at ASEAN.
Ayon pa rin sa naturang sekretaryat, mas malaki ang saklaw ng Ika-13 CAEXPO kumpara sa mga nagdaang ekspo. Lalaki ng 30 libong metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng exhibition area, magkakaroon ng mga bagong exhibition area na gaya ng pandaigdig na exhibition area, exhibition area ng pamumuhunan at kalakalang panserbisyo ng ASEAN, at exhibition area ng kooperasyong pang-agrikultura ng Tsina at ASEAN, at idaraos din ang di-kukulangin sa 34 na porum hinggil sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa produktibong kapasidad, meteorolohiya, suliraning pansibil, at iba pa.
Salin: Liu Kai