Ayon sa estadistikang ipinalabas sa Ika-13 China-ASEAN Expo, na idinaraos ngayon sa Nanning, Tsina, mabuting sumusulong ang kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa production capacity, at malawak ang prospek ng kooperasyong ito sa hinaharap.
Ayon sa estadistika, hanggang noong Enero ng taong ito, umabot sa 23 ang bilang ng mga proyekto ng pamumuhunan sa aspekto ng production capacity, na ginawa ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga bansang ASEAN, at 21.3 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga proyektong ito.
Tinukoy naman ng ilang kinatawan mula sa ASEAN, na sa hinaharap, sa halip na pamumuhunan, kailangang palakasin ng ASEAN at Tsina ang kooperasyon sa production capacity, sa pamamagitan ng ibang paraan, na gaya ng pagpapalitan ng yamang-tao.
Salin: Liu Kai