Sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam
Nag-usap sa Beijing, Setyembre 12, 2016 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Premyer Li ang pag-asang pasusulungin ng pagdalaw ang pragmatikong pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Biyetnam, batay sa nakatakdang pangkalahatang ideyang pangkaunlaran ng dalawang bansa hinggil sa pag-uugnay sa pagtutulungang pandagat, panlupa at pinansyal, lalo na sa Lancang-Mekong Subregion, imprastruktura, kalakalan, pamumuhunan, at iba pa. Umaasa rin ang Premyer Tsino na mapapalalim ng Tsina at Bietynam ang pagpapalitan ng mga partido, depensa, administrasyon, at seguridad para ibayong patibayin ang pundasyong pangkaunlaran ng relasyong Sino-Biyetnames.
Nang mabanggit ang isyu ng South China Sea, binigyang-diin ni Li na dapat magkasamang magsikap ang Tsina at Biyetnam para tupdin ang mga kasunduang narating ng mga liderato ng dalawang bansa, pasulungin ang pagtutulungan sa karagatan, at maayos na isagawa ang konstruktibong pamamahala at pagkontrol sa pagkakaiba ng palagay, para sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kaunalran ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Nguyen Xuan Phuc na ang pangalagalaga sa tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam at ibayong pagpapasulong sa matatag at sustenableng pagtutulungang Sino-Biyetnames ay priyoridad sa tungkulin ng partido, pamahalaan at patakarang panlabas ng bansa. Aniya, nananatiling mainam ang tunguhing pangkaunlaran ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.