Sa magkahiwalay na okasyon, Setyembre 12, 2016, kinausap sa Beijing nina Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino (CPPCC), si Nguyen Xuan Phuc, dumadalaw na Punong Ministro ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Zhang Dejiang na nananatiling mainam ang pagtutulungan ng mga lehislatura ng Tsina at Biyetnam. Nakahanda aniya ang NPC, kasama ng Lehislaturang Biyetnames, para ibayong pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga organong pambatas sa ibat-ibang antas, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang panig para pasulungin ang matatag at malusog na relasyong Sino-Biyetnames.
Ipinahayag naman ni Nguyen Xuan Phuc na positibo ang Biyetnam sa komprehensibong estratehikong partnership at pagtutulungan ng mga organong pambatas ng dalawang bansa. Nakhanda aniya ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at papalimin pa ang pragmatikong pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa ibat-ibang larangan.
Samantala, ipinahayag naman ni Yu Zhengsheng na pinahahalagahan ng CPPCC ang mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Vietnam Fatherland Front(VFF). Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para patuloy na pahigpitin pa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa ibat-ibang antas, pasulungin ang pagkakaibigan, at gumawa ng ambag para sa katatagan at kaunlaran ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Nguyen Xuan Phuc na lubusang pinahahalagahan ng Biyetnam ang pagtutulungan sa pagitan ng CPPCC at VFF. Nakahanda aniya ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.