Beijing, Tsina — Kinatagpo nitong Martes, Setyembre 13, 2016, ni Zheng Guoguang, Puno ng Pambansang Kawanihang Meteorolohikal ng Tsina, si Tran Hong Ha, dumadalawa na Ministro ng Likas na Yaman at Kapaligiran ng Biyetnam. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon sa pagpigil at pagbabawas sa epekto ng natural na kalamidad, pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon, at iba pang isyu.
Sinabi ni Zheng na bilang isa sa mga theme country, gumanap ang Biyetnam ng mahalagang papel sa matagumpay na pagdaraos ng kapipinid na Porum ng Kooperasyong Meteorolohikal ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag naman ng panig Biyetnames ang pag-asang patuloy na kokompletuhin ng dalawang panig ang porma ng kooperasyon sa aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima, at pagpigil sa kapahamakang meteorolohikal.
Salin: Li Feng