Nagtagpo Martes, Setyembre 13, 2016, sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.
Sinabi ni Xi na ang paggigiit sa pamamahala ng partido komunista at sosyalistang sistema ay pinakamalaking komong kapakanan ng Tsina at Biyetnam. Umaasa aniya siyang patuloy na palalalimin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pagpapalitan ng kultura, para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig at magdulot ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan.
Sinabi rin ni Xi na dapat igiit ng dalawang panig ang maayos na paglutas sa isyu ng South China Sea (SCS) sa pamamagitan ng bilateral na pagsasanggunian. Naniniwala aniya siyang mabisang hahawakan at kokontrolin ng dalawang panig ang mga hidwaan sa mga isyung pandagat at pasusulungin ang mga may kinalamang kooperasyon.
Sinabi naman ni Nguyen Xuan Phuc na palagiang inilalagay ng kanyang bansa sa unang puwesto ng diplomasya ang relasyon sa Tsina. Umaasa aniya siyang walang humpay na palalalimin ng dalawang panig ang pagtitiwalaang pulitikal, pasusulungin ang aktuwal na kooperasyon at mabisang kokontrolin ang mga hidwaan.