|
||||||||
|
||
News Briefing ng Ika-13 CAExpo at CABIS
Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Kasiya-siyang ipininid Miyerkules, Setyembre 14, 2016, ang apat (4) na araw na Ika-13 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Nagpokus ang naturang ekspo at summit sa konstruksyon ng pag-u-upgrade ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at nagtampok din sa pandaigdigang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon. Puspusan din nitong pinasulong ang konstruksyon ng mga malalaking proyektong gaya ng China-ASEAN Information Harbor, at halatang tumaas ang natamong bisang pangkabuhayan at pangkalakalan nito.
Ayon sa news briefing nang araw ring iyon, sa panahon ng naturang ekspo, 56 na proyekto ng kooperasyong pandaigdig ang nalagdaan na sumasaklaw sa 15 bansa't rehiyon. 110 proyekto ng kooperasyong panloob ng bansa naman ang nalagdaan, at malinaw na tumaas ang kalidad ng nasabing mga proyekto.
Nakatakdang idaos ang Ika-14 CAExpo at CABIS sa Nanning mula ika-22 hanggang ika-25 ng susunod na taon. Ang Brunei ay magiging theme country nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |