Sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Ipininid ngayong araw ang 4 na araw na Ika-12 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit.
Sa isang news briefing, ipinahayag ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo, na sa ekspong ito, ang pagtatatag ng "One Belt and One Road" ay naging pokus, at 34 na kasunduan ng kooperasyon ng pandaigdigang kakayahan ng produksyon ay nalagdaan.
Bukod dito, sa Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng CAExpo na ginanap kahapon, inisyal na itinakda na ang Ika-13 CAExpo ay gaganapin mula ika-23 hanggang ika-26 ng Setyembre ng susunod na taon, at ang Biyetnam ay magsisilbing country of honor.
Salin: Li Feng