Sa kanyang talumpati sa Summit of the Non-Aligned Movement (NAM) nitong Sabado, Setyembre 17, 2016, binigyang-diin ni Raúl Castrol, Lider ng Cuba, na bagama't napanumbalik na ang relasyong diplomatiko ng Cuba at Estados Unidos, hinding-hindi yuyukod ang kanyang bansa sa Amerika sa mga isyung may-kinalaman sa soberanya at pagsasarili.
Ipinagdiinan din niya na patuloy na hihimukin ng Cuba ang Amerika na isauli ang Guantanamo at kanselahin ang economic blockade laban sa kanyang bansa. Kung hindi, imposibleng maging normal ang relasyon ng dalawang bansa.
Mula Sabado hanggang Linggo, ginaganap sa Margarita Island, Venezuela, ang Ika-17 NAM Summit. Dumalo rito ang mga lider mula sa 14 na bansa at mga kinatawan mula sa mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig.
Salin: Li Feng