Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas kahapon, Enero 26, 2016, ng panig opisyal ng Amerika ang ibayo pang pagpapaluwag sa mga may-kinalamang limitasyon sa pagluluwas at paglalakbay sa Cuba.
Noong Setyembre, 2015, ipinatalastas minsan ng Kagawaran ng Pinansya at Kagawan ng Komersyo ng Amerika ang pagsususog sa ilang probisyon ng sangsyon laban sa Cuba, bagay na ibayo pang nagpaluwag sa ipinataw na limitasyon ng Amerika sa Cuba sa aspektong gaya ng turismo, at kabuhayan at kalakalan.
Noong Disyembre, 2014, idineklara ng Amerika at Cuba ang pagpapasimula muli ng proseso ng normalisasyon ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Noong Hulyo, 2015, opisyal na napanumbalik ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, ngunit hindi pa komprehensibong inalis ng Amerika ang blokeyo laban sa Cuba na tumatagal ng mahigit kalahating siglo.
Salin: Li Feng