Ayon sa Xinhua News Agency, ibinalita kagabi, Pebrero 17, 2016, ng American Broadcasting Corporation, Inc (ABC)na mula ika-21 hanggang ika-22 ng susunod na buwan, pinaplanong bumiyahe ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa Cuba. Kung isasagawa ang biyaheng ito, ito ang magiging kauna-unahang pagdalaw ng umaaktong Pangulong Amerikano sa Cuba nitong mahigit 80 taong nakalipas.
Noong Disyembre, 2014, pinanumbalik ng Amerika at Cuba ang proseso ng normalisasyon ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Noong Hulyo ng nagdaang taon, opisyal na napanumbalik ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa komprehensibong inaalis ng Amerika ang blokeyo at embargo laban sa Cuba.
Salin: Li Feng