Sa kanyang pakikipag-usap nitong Biyernes, Setyembre 16, 2016, sa mga miyembro ng delegasyon ng "Paglalakbay sa Thailand ng mga Kilalang Tsinong Personahe sa Internet sa Daigdig," ipinahayag ni Mr. Sek Wannamethee, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Thailand, na sa kasalukuyan, ang unang isinasaalang-alang ng kanyang bansa ay ang pakikipagtulungan sa Tsina para maitayo ang daam-bakal ng dalawang bansa. Aniya, sisimulain ang konstruksyon ng nasabing daam-bakal sa loob ng darating na taon.
Nagtanong naman ang mga miyembro ng delegasyon tungkol sa isyu ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at Thai. Hinahangaan ni Mr. Sek Wannamethee ang ginagawang mahalagang papel ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayang Asyano. Paulit-ulit niyang ipinagdiinan ang kahalagahan ng Tsina para sa kabuhayang Thai, at tinukoy niya na sa proseso ng pagtatatag ng Komunidad ng Asya ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Tsina ay gumaganap ng mahalagang papel na tagapagpasulong dito.
Salin: Li Feng