ISANG commercial flight mula sa Saudi Arabia ang inilayo sa paliparan matapos lumapag sa Ninoy Aquino International Airport kaninang hapon.
Ang Saudia flight SVA 872 mula sa Jeddah ang inilayo sa isang secluded portion ng paliparan.
Ayon sa Manila International Airport Authority, inaalam pa kung biktima ng hijacking ang Saudia. Sana'y nakababa na ang mga pasahero kaninang ala-una ng hapon. Nakikita ang mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group sa pook. Wala pang linaw kung ano ang nagaganap sa loob ng eroplano.
Pagsapit ng ikalima ng hapon, pinababa na ang mga pasahero. Ayon kay Manila International Airport Ed Monreal, may nakalabit na buton ang piloto may 30 minuto bago lumapag sa Ninoy Aquino International Airport kaya't nagpatupad ng mga kaukulang standard operating procedures ang paliparan.
May imbestigasyong gagawin ang kinauukulan.