|
||||||||
|
||
ANG kontrobersyal na bilanggong si Herbert Colangco ay nagsabing ang alalay ni Secretary Leila de Lima ang siyang tagatanggap ng perang mula sa mga sindikato ng droga sa loob ng National Bilibib Prison upang matustusan ang kanyang kampanya sa pagka-senador.
Kinilala ni Colangco ang alalay sa pangalang Jonel Sanchez.
Ayon kay Colangco, ang trabaho ni Sanchez ay tumanggap ng salapi para kay Secretary De Lima ng Department of Justice.
Inutusan daw siya ni Sanchez na mangolekta ng 30 hanggang 50 kilo ng shabu mula sa big-time na Chinese drug lords sa piitan para sa kampanya ng kontrobersyal na senador ngayon.
Tumanggap din si Sanchez ng isang milyong piso mula noong Oktubre ng 2013 na kinabibilangan ng kita mula sa pagbebenta ng cerveza kasabay ng kanyang mga konsiyerto sa loob ng piitan. Ang isang kartong cerveza na nagkakahalaga ng P 700 ay naipagbibili niya ng P 10,000 sa loob ng piitan. Nakakapasok ang mga kontrabando dahil may basbas ng Justice secretary, dagdag pa ni Colangco.
Humihingi pa umano ng salapi si Sanchez bilang dagdag sa kanyang natatanggap para kay Secretary De Lima. May mga resibo umano siyang magpapatunay na nagpadala siya ng pera.
Sinabi pa ni Colangco na ang salapi'y nakararating kay Sanchez sa pamamagitan ng kanyang talent manager.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |