Sinalubong kahapon ni Cerro, isang Galapagos tortoise, ang kanyang ika-50 kaarawan sa zoo ng Perth, Australya.
Espesyal na inihanda ng zoo ang isang birthday cake na gawa sa mga prutas na kinabibilangan ng watermelon, orange, strawberry at papaya, para kay Gerro.
Bilang isa sa mga pinakamatandang residente ng Perth Zoo, isinilang si Cerro sa San Diego Zoo sa Estados Unidos, at noong 2005, inilipat siya sa Perth kasama ng kanyang kapatid na lalaki.
Ayon sa kanyang tagapagsanay, bagama't 50 taong gulang na si Cerro, siya ay bata pa rin sa kanyang uri at hanggang sa kasalukuyan, ang pinakamatandang Galapagos tortoise ay mga 175 taong gulang.