|
||||||||
|
||
SA kabutihang palad ay nailigtas ng mga kawal mula sa 35th Infantry Battalion ng Joint Task Force Sulu si Martina Lyn Yee, 60 taong gulang mula sa Abu Sayyaf Group kaninang umaga sa isang pier sa Tanjung, Barangay Kajatian, Indanan, Sulu.
Isang taga-Sirawai, Zamboanga del Norte at may-ari ng isang gasolinahan, si Yee ay dinukot ng anim na armadong kalalakihan noong Lunes ng hapon. Tumakas ang grupo patungo sa Zamboanga City at dumaan sa bayan ng Sibucu sakay ng isang bangkang may tatlong makina.
Nagtagumpay ang operasyon ng mga kawal sa tulong ng mga pulis at mga mamamayan mula sa Sirawai hanggang Sibuco, Zamboanga City at Sulu na nagbalita sa presensya ng mga armado.
Isang "strike and rescue operation" ang inilunsad ng mga kawal ng 35th Infantry Battalion. Sa pagkakatunog ng mga armadong mas marami ang mga kawal, tumakas ang grupo kaya't nailigtas ang biktima.
Sinabi ni Brig. General Arnel dela Vega, commander ng Joint Task Force Sulu na naganap ang pagkakaligtas sa biktima sa pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan at mga mamamayan.
Sumailalim na si Martina Yee sa medical check-up sa Camp Bautista station hospital. Walang pagkain ang biktima mula noong Lunes ng gabi. Nakatakda siyang dalhin sa Zamboanga City ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |