Nilagdaan kamakailan ng Bank Indonesia, Bangko Sentral ng bansa at National Anti-Narcotics Agency ang kasunduang pangkooperasyon para labanan ang mga krimeng may kinalaman sa ilegal na droga.
Ayon kay Agus Martowardojo, Gobernador ng Bangko Sentral ng Indonesia, pahihigpitin ng kanyang bangko ang superbisyon sa mga ATM at iba pang mga sistema ng transaksyon ng mga institusyong pinansyal para maiwasan ang pagpasok sa sirkulasyon ng mga pondong may kinalaman sa ilegal na droga.
Sinabi naman ni Budi Waseso National Anti-Narcotics Agency ng Indonesia na napakahalaga ng suporta ng mga institusyong pinansyal sa pambansang pakikibaka laban sa transaksyon ng ilegal na droga.
Ang Indonesia ay sa isa mga bansa sa daigdig na may pinakamahigpit na batas laban sa ilegal na droga.
Salin/Edit:Jade
Pulido:Mac