|
||||||||
|
||
Ayon sa mediang lokal ng Indonesia, ipinatupad ng Indonesia ang hatol sa pamamagitan ng pagbaril kaninang madaling araw sa walong (8) drug dealer na kinabibilangan ng pitong (7) dayuhan. Ipinagpaliban naman ang pagbitay ng isa pang babaeng Pilipinong akusado.
Sa Java Island, Indonesia--Idinaos ang libing ng binitay na Indonesian drug dealer
Ayon sa ulat, ang naturang binitay na drug traffickers ay mula sa Australia, Brazil, Ghana, Nigeria, at Indonesia.
Sa Makati, Pilipinas--Nagtipun-tipon ng mga tao sa harap ng Embahada ng Indonesia para hilingin sa pamahalaan ng Indonesia na ipagpaliban ang pagbitay sa Filipino drug courier na si Mary Jane Veloso
Sinabi ngayong araw ni Punong Ministro Tony Abbott ng Australia, na pauuwiin niya ang Embahador ng Australia sa Indonesia bilang protesta.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |