Punong Himpilan ng United Nations (UN), New York—Sisimulang idaos Martes, ika-19 ng Abril 2016, ang espesyal na sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN hinggil sa isyu ng droga. Dadalo sa naturang sesyon ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Guo Shengkun, Direktor ng National Anti-Drug Commission at Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina. Ito ang ika-4 na espesyal na sesyon hinggil sa pandaigdigang isyu ng droga sa kasaysayan ng UN.
Ang kasalukuyang sesyon ay naglalayong suriin ang kalagayan ng pagpapatupad ng "Political Declaration and Action Plan" hinggil sa isyu ng ipinagbabawal na droga na narating noong 2009. Tatasahin din ang mga hamong hinaharap ng umiiral na pandaigdigang sistema ng pagbabawal sa droga.
Dadalo sa nasabing sesyon ang mga lider ng maraming bansa at mahigit 40 opisyal ng mga pamahalaan na namamahala sa gawain ng pagbabawal sa droga.
Palagian aniyang ipinapatupad ng Tsina ang pandaigdigang kombensyon sa pagbabawal ng droga, at aktibong nagsasagawa ng kooperasyon sa iba't ibang bansa at mga organisasyong pandaigdig sa aspektong ito. Aniya pa, nilagdaan na ng Tsina, kasama ng 20 bansang kinabibilangan ng Myanmar, Thailand, at Laos, ang mga dokumento ng kooperasyon sa paglaban sa droga. Itinatag din ng Tsina, kasama ng ibang mga bansa, ang mekanismo ng taunang pagtatagpo tungkol sa pagbabawal sa droga, at isinagawa ang pagsusuri sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produktong kemikal na madaling gamitin para sa pagyari ng droga, aniya pa.
Salin: Vera