LUMISAN na pabalik sa Norway si Kjartan Sekkingstad matapos makalaya mula sa kamay ng mga Abu Sayyaf.
Nakapag-ahit na si Sekkingstad at sumakay na sa Thai Airways Flight TG 621 patungong Bangkok sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kanina. Sinamahan siya ng mga opisyal ng Norwegian Embassy sa Maynila.
Sa Bangkok sasakay siya sa kanyang eroplanong patungong Oslo, Norway ang pinalayang hostage ng Abu Sayyaf. Halos isang taon din siya sa kamay ng mga masasamang-loob.
Ang dalawang banyagang kinilala sa mga pangalang John Ridsdel at Robert Hall na mula sa Canada ay pinugutan ng Abu Sayyaf matapos hindi magbigay ng ransom.
Nakalaya naman ang katipan ng isa sa mga pinaslang na nakilala sa pangalang Tess Flor Hall.