Pagkaraan ng halos pitong araw na paghahanda sa kalawakan, nagsimulang tumakbo kahapon, Huwebes, ika-22 ng Setyembre 2016, ang mga kagamitang pang-eksperimento sa Tiangong-2 space lab ng Tsina.
Ayon naman sa operation and control center ng Chinese Academy of Sciences na namamahala sa mga eksperimentong siyentipiko sa Tiangong-2, sa loob ng darating na ilang oras, sisimulan ang mga eksperimento.
Ang Tiangong-2, kauna-unahang tunay na space lab ng Tsina, ay inilunsad noong ika-15 ng buwang ito. Sa pananatili nito sa kalawakan, nakatakdang isagawa ang 14 na eksperimento.
Salin: Liu Kai