File photo ng Tiangong-2 space lab
Pinarating kahapon, Sabado, ika-9 ng Hulyo 2016, sa Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanlurang Tsina, ang Tiangong-2 space lab.
Ang Tiangong-2 ay ikalawang space lab ng Tsina. Malulunan nito ang dalawang astronaut para sa 30-araw na pananatili sa kalawakan. Puwede ring idaong dito ang kapwa manned spacecraft at cargo spacecraft.
Nakatakdang ilunsad ang Tiangong-2 sa kalagitnaan ng darating na Setyembre ng taong ito. Pagkatapos, ilulunsad din ang Shenzhou-11 manned spacecraft para idaong dito.
Salin: Liu Kai