MAHALAGA ang papel ng pulisya sa kampanya laban sa illegal na droga. Sa kanyang talumpati sa Camp Alagar, sa Mindanao inatasan ni Pangulong Duterte ang mga pulis na ituloy ang walang humpay na operasyon laban sa mga sindikato.
Obligasyon ng mga autoridad na ipagtanggol ang mga mamamayan sa kasamaan tulad illegal drugs lalo na't nababalitang nagugumon na rin ang mga menor de edad.
Binigyang-diin ng pangulo na magmalasakit ang mga autoridad at mga mamamayan para sa mga susunod na mga mamamayan, sa mga susunod na saling-lahi.
Umabot na sa halos apat na milyon ang drug addicts sa bansa mula sa 3.7 milyong drug addicts ang naitala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) may tatlong taon na ang nakalilipas.
Pinarangalan din ang mga pinakamagagaling na pulis sa pamamagitan ng pabuyang P 200,000 samantalang may P250 libo naman para sa mga police units na naging maganda ang serbisyo sa mga mamamayan sa may General Santos City.