Ipinatalastas kamakailan ng Bangko Sentral ng Indonesia na sa susunod na Oktubre, itatatag ang Financial Technology Office para mapasulong ang inobasyon at pag-unlad ng industriyang ito.
Ayon kay Ronald Waas, Pangalawang Puno ng Bangko Sentral ng Indonesia, sa pag-aaral ng karanasan ng mga ibang bansa, palalakasin ng nasabing tanggapan ang pagkakaloob ng pagsuperbisa at pamamahala sa serbisyo ng teknolohiyang pinansiyal sa mga bagong tatag na bahay-kalakal. Samantala, palalakasin din ang pakikipagkoordina sa mga kaukulang departamento ng iba pang mga ministri.
Salin: Li Feng