|
||||||||
|
||
Si Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore.
Isang resepsyon ang idinaos Lunes ng gabi, Setyembre 26, 2016, ng Embahadang Tsino sa Singapore bilang maringal na pagdiriwang sa Ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Dumalo rito ang mga mapagkaibigang personahe mula sirkulong pulitikal, komersyal, at media ng Singapore, at mga kinatawan ng mga embahada ng iba't-ibang bansa sa nasabing bansa, organong pinatatakbo ng pondong Tsino, overseas at ethnic Chinese, at mga mag-aaral.
Sa kanyang talumpati, binalik-tanaw ni Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore, ang natamong kapansin-pansing tagumpay ng Tsina sa usapin ng pag-unlad nitong 67 taong nakalipas. Ito aniya ay nakakapagbigay ng napakahalagang ambag para sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Nang mabanggit ang relasyong Sino-Singaporean, ipinahayag ni Chen na bilang mabuting kaibigan at katuwang, magkasamang nakaranas noong isang taon, ang Tsina at Singapore ng maraming malalaking pangyayari, at magkasama silang nagtatamasa ng mga natamong bunga. Kasalukuyang sabay na magsisikap ang dalawang bansa para mapasulong ang pagtatatag ng bagong kaayusang pangkabuhayan sa daigdig, aniya.
Dagdag pa ni Chen, ang Singapore ay bansang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN, at inaasahan ng Tsina na patuloy na mapapatingkad ng Singapore ang positibong papel para sa pag-unlad ng nasabing relasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |