Ayon sa organong tagapangasiwa ng China-Singapore Demonstration Programme on Strategic Connectivity sa Chongqing, noong unang anim na buwan ng 2016, pinagtibay nito ang 37 pangunahing proyekto at lampas sa 13 bilyong US dollar ang kabuuang puhunan sa mga ito.
Pinasinayaan Enero 8, 2016, ang China-Singapore Demonstration Programme on Strategic Connectivity na nakabase sa Chongqing, lunsod sa dakong timog-kanluran ng Tsina. bilang ikatlong Government-to-Government (G2G) project ng Tsina at Singapore, nagtatampok ito sa serbisyong pinansyal, abiyasyon, lohistika, at information and communication technology (ICT).
Ang unang G2G Project ng dalawang bansa ay Suzhou Industrial Park (SIP) na itinatag noong 1994 sa Jiangsu Province sa dakong silangan ng Tsina. Ang Tianjin Eco-city na sinimulang itatag noong 2008 sa Tianjin, siyudad-puwerto sa dakong hilaga ng Tsina ay ikalawang G2G Project ng Tsina at Singapore.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac